Base pa lang sa mga titles diyan, more or less alam niyo na kung tungkol saan ‘to.
Oblation Run – since nung nalaman ko yung existence ng oblation run, I was really looking forward na mapanood yun, so nung nalaman ko yung actual date na mangyayari siya, sobrang excited talaga ako, pero when I looked through my sched, grabeng disappointment talaga kasi may class ako, and by that time alam ko na na kahit anung mangyari di ko na siya mapapanood, Chem Lec kasi, eh yung prof pa naman naming dun ay sobrang sipag (to the max). So habang nagdidiscuss kami ng Gas Laws, nagsisigawan naman ang mga tao sa labas, kahit anung try kong magfocus sa lesson, di ko talaga magawa, inurge na nga ako ng aking mga “mababait na blockmates” na kunwari daw ay naccr ako, pero di ko pa rin ginawa.
A few days after the run, nakita ko yung mga pics ng O.R sa blog ni Shayne. And alam niyo ba nanaginip ako tungkol dun, actually nightmare siya for me. I was there daw, then from afar parang nakikita ko na silang paparating, and what did I do? I covered my eyes and from that point on, nalaman ko na di pa pala talaga ako ready para dun. Siguro by next year, ray na ako. LOL. ^^
Christmas Party – Christmas Party namin sa Kalai last Wed (12), di talaga siya Kalai wide, ang ka exchange gift namin ay ang 2nd floor boys, FYI sila yung dati naming corridor partner last sem, this sem iba na partner namin, pero it seems na sobrang naging close na talaga ng BA at 2nd floor. Pinagawa kami ng wish list, nung sinusulat ko yung akin, I wasn’t concentrating, kasi ang nasa isip ko di naman ‘to seseryosohin ng mga boys eh. BTW ito yung nasa wish list ko (almost ito yung nakalagay)
♥ Plushie doll ni Hitsugaya Toushiro (Bleach), meron nun sa Comic Alley sa SM North (I think so), kung wala naman nun eh kahit anung bagay na associated kay Hitsugaya.
♥ Gummy Worms, yung nasa Tupperware
♥ DVD 9 ng Spring Waltz or kaya yung movie collection ng Detective Conan
While writing this alam kong mahirap hanapin yung # 1 sa list ko at tsaka mahal, so alam kong yung gummy worms talaga ang makukuha ko, alam kong yun talaga ang makukuha ko. Maidagdag ko lang yung name pala ng nabunot ko is PAUL, yung nasa wish list niya ay Red High Socks, kaya naman madali lang mabili. Nagpunta kami sa SM North, and then nalaman ko (accidentally) kung sino nakabunot sakin. It was Trick, pano ko nalaman, kasi may hawak siyang Tupperware na parang gummy worms, haha. Pero di niya alam na nakita ko siya. So the party started, nung nakita ko yung hawak niya na gift parang na disheartened ako, kasi di naman mukhang Tupperware iyon eh. It turns out na siya pala talaga ang nakabunot sa akin, haha. Afte the party inopen ko yung gift ko, and I was so surprised nung may makita akong keychain ni Hitsugaya (aside dun sa gummy worms)! Tapos nakakatouch pa yung note ni Trick, sabi niya 3 comic alley na napuntahan niya para makahanap nung plushie, halos makapatay na siya ng clerk para lang maglabas ng Toushiro, hehe. Ang saya ko talaga, grabeng effort pala talaga ginawa niya para mahanap yun.
Meteor Shower – ayon sa mga kumakalat sa text nung Friday, magkakaron daw ng Meteor Shower that night, tapos habang nagstart na kong magreview para sa exam ko sa EEE 11 the next day, may narinig akong sigawan sa labas. Totoo pala ang balita, may meteor shower nga, maraming mga dormers ang nasa basketball court at nanonood, with my roommate an friends, e pansamantala kong iniwan ang pag aaral at bumaba. That was around 10 pm. Matagal akong nakatingala, may nakita na ang iba ako wala pa, nagkastiffneck na ako sa kakaabang, paluha at pasuko na sa kasawian sa pagmamasid at dun nga, nakita ko ang pinakaunang meteor sa aking buhay, ang ganda niya. Anung oras na ko nakabalik sa room ko?
Anung nangyari sa test ko? Wag mo nang tanungin. Ayoko nang balikan pa, yun na ata yung pinakamahirap na Exam na nakuha ko, at sa kauna – unahang pagkakataon, sobrang nangamba ako na babagsak ako sa subject na yun. Pero sa totoo lang di ko pinagsisisihan na nanood ako ng Meteor Shower. Pramis.
"And alam niyo ba nanaginip ako tungkol dun, actually nightmare siya for me. " - wahahaha XD
ReplyDeletehahahahahaha. sobra talaga. LOL
ReplyDelete