Wednesday, February 13, 2008

Anak ng Putik (Halaw mula sa tunay na pangyayari sa buhay ng may akda)

 

        Nangyari ang lahat nang aming mabatid na walang klase sa EEE11. At dahil walang magawa sa buhay at gustong magliwaliw kahit panandalian, kami ay napasugod sa Sunken Garden, sa kadahilanang ngayong linggo ay UP Fair, kami ay naglibot at tumingin nang mga pagkain sa paligid, nang kami’y mabato na ay amin nang tinahak ang labasan. Maya maya pa’y napansin na namin na lubhang maputik ang aming dinadaanan.


        Pero dahil siguro gusto naming makaranas nang adventure ay tuloy pa rin kami, nang mabahidan ng putik ang aming mga tsinelas at sapatos ay nawalan na nang gana ang iba at bumalik na, pwera sa akin at kay Kat, siguro dahil tinatamad na din kaming bumalik at abot tanaw na ang malinis na damuhan, tinangka naming bagtasin ang basa at maputik na daanin. At ayun, ang unang nabiktima ay si Kat, naiwanan ang tsinelas sa putikan, ito naman ay aking dinampot at ako’y sumunod. NGUNIT – hindi ko inaasahang malalim pala ang putik at ako’y nalubog. Nakaahon ako pero wala na ang isang kabiyak ng tsinelas, sa matinding takot na ako’y umuwing walang saplot sa paa ay kinapa ko sa maputik na damuhan ang aking pinakamamahal na tsinelas, at presto ito’y nakita ko. Iyun nga lang para itong putik na tinubuan ng tsinelas. At anu ang ginawa ng aking mga kasama? Ayun at kinuhanan pa kami ng litrato. Pagkaahon na pagkaahon ko sa maduming putikan ay agad kong nabatid na madami pala ang nakakita sa aming “palabas”.


        Ngayong nakuha ko na ang aking tsinelas, mayroon na naming isang balakid ang nakaamba. Paano ako makakauwi sa dormitoryo na puno ng putik ang mga kamay, paa at pantaloon? Salamat na lamang at may nakapansin sa aking paghihirap. Lumapit sa akin ang dalawang batang babaeng nagbebenta ng ipit at sinamahan nila ako sa pinakamalapit na hugasan. Sobrang laki talaga nang utang na loob ko sa kanila, malas nga lang at wala akong dalang pera nang panahong iyon, sana nakabili ako sa kanila. At duon natapos ang aking araw.

6 comments:

  1. yak!! special mention pa ko!! hahaha!! hanggang ngayon, pag naiisip ko... super natatawa pa rin ako!!! gawd!!! bakit nga ba natin nagawa ang mga bagay na ganun??? (di ko talaga malilimutan yung nagmukhang, er, magsasaka si machay!! hahaha!! o cge na nga, farmer naman para sosyal.. farmer... lol)

    definitely my (perhaps 'our') most unforgettable and embarrassing moment in up diliman so far... nyahahaha!! *rolls in the floor laughing*

    ReplyDelete
  2. lol talaga, machai... at least dun lang s dorm ang balik mu db? pano p kya qng uwian k? .............

    ReplyDelete
  3. kat ~ hay nako, pansin ko nga lagi kang special mention sa mga posts ko. lol teka bakit ako lang yung farmer?? arggghh. hah

    bennie ~ ayoko ng imaginin, di ko kakayanin yun.. T_T

    ReplyDelete
  4. hahahaha!! eh kasi naman eh... mas appropriate naman talaga sayo yung term na yun kaysa sakin!! hahahaha!!

    ReplyDelete
  5. omg, kaawa-awa naman ang iyong sinapit!

    ReplyDelete
  6. bwahaha. hay naku kung nakita mo lang, hahaha.

    ReplyDelete