I'm gonna cry. Arrrghhhhh. Bakit ganito yung feeling? Sobrang nakakatouch. I've never thought na makakaramdam ako ng ganito.
My 18th birthday ended last Thursday - that's what I thought, yun pala may mga nagiintay pa rin na sorpresa.
Kagagaling ko lang from my Math 53 Finals kanina, at sobrang nakakastress, kaya diretso ako sa canteen sa Dorm kasi hinihintay ako ni Joanna, then nung nandon na ako, Joanna gave me a stem of rose, ayan sa pic oh, sobrang nagulat ako, I wasn't really expecting anything from someone kasi nga tapos na birthday ko, tapos nandun din sa table yung iba sa 2nd floor boys and they greeted me at may kasama pang clap, nun palang sobrang saya ko na. Grabe. And first time kong makatanggap ng rose na binili talaga for me. Jo-anna, thank you for making one of my dreams happen.
Then paakyat na kami sa room ko, and dun sa frontdoor may nakapost na Belated,
nagulat ako, so I opened the door, and then it hit me. My roommate (Iya) and our friends, Hannie, Anacel, Joanna have prepared a surprise for me. Nandun nagrerest sa chair ko ang isang dambuhalang card (see the pic??). Waaaa, roommate bakit ka ganyan??? At hindi lang yun, meron din isang dambuhalang crane na may mga nakasabit na pic namin.. waaa. sobrang nakakaiyak, akala ko dadaan na lang yung birthday ko na parang pangkaraniwan lang, Salamat talaga sa inyo ng malaki. And one thing na nakakatuwapa ay ang effort ni Iya na bigyan ako ng 18 guys. When I opened the card, bigla ba namang nalantad sa akin ang 18 pictures ng guys na may kinalaman sa kin (either naging crush ko, idol, and the like). Sobrang napangiti na lang ako, sana magkatotoo na isayaw ako nung 18 guys na yun. haha. Iya sobrang sobrang sobrang sobang salamat sa'yo, salamat sa effort mo.

Sa inyong lahat maraming maraming maraming salamat sa inyo, hindi ko talaga makakalimutan ang araw na 'to. Natutuwa ako kasi nakatagpo ako ng mabubuting kaibigan sa katauhan ninyo. Thank you kasi nandyan kayo lagi for me lalo na sa mga difficult times. Sana magkasama ulit tayo sa dorm next year. O kaya magboarding house na lang tayo.
May kasalanan pala ako sa inyo, actualy sa bahay ko na lang nakunan yang mga pics kasi naman wala akong cam na dala eh, tsaka ginulat niyo talaga ako. Hehe. Post ko na lang yung mga kinunan ko pang pic. 
And sa lahat nga pala ng bumati sa akin nung birthday ko, ARIGATOU!
(Wala ako sa dorm nung birthday ko kaya naman hindi ako nakapagcelebrate dun)
You're lucky and blessed to have friends like them, cherish them forever and don't lose them. :)
ReplyDeleteyeah, i've realized it, too late magkakahiwa hiwalay na kami..
ReplyDelete