Thursday, March 20, 2008

Hana Kimi? (JP and TW)

  Hay. Sobrang nakakainis naman, kahit saan atang forum ako magpunta lagi na lang network wars ang aking nababasa. Another addition to that would be ang airing ng Hana Kimi Jap sa GMA versus Hana Kimi TW sa Dos. Naglurk ako sa thread ng bawat isa, and yung mga fans grabe talaga yung paninira. Um, actually yung fans ng HK TW talaga yung sobra. What I mean is they're saying mean stuff sa JP, and sa GMA na din. And another would be yung tagline ng commercial ng ABS, it says something like "The Orig", probably ito ay reference sa pagair ng Coffee Prince sa GMA, since almost the same yung plot nila na may girl na nagpanggap na boy. True nga naman na nauna ang TW sa Coffee Prince at pati na din sa JP version, pero it's too much, I think na kaya ganun na lang ang panglalait ng mga fans ay dahil sa GMA ang nakakuha ng rights sa pagaair ng mga yun, the mere fact na "GMA" yun.

           Sa totoo lang maka-GMA ako pero that doesn't mean na ayaw ko talaga sa ABS, anyway parehong maganda ang HANA KIMI JP at TW. Nagkaiba lang sila sa plot. HK TW focuses more on the love story between Quan and Rei Xi, samantalang ang JP naman ay medyo ganun din pero mas marami nang involvement ang mga dorms. With regards sa LEADS, aminado akong mas gwapo si WU ZUN kaysa kay OGUSHUN, but dapat hindi yun yung batayan. About naman sa girls, ELLA and MAKI are both fine with me, pero mas gusto ko si MAKI and mas bumagay sa kanya yung role. And ito na yung pinakahihintay kong part, whom to choose between JIRO and TOMA, syempre TOMA CHAN ako forever. though sobrang galing din ng portrayal ni Jiro sa TW pero nang dahil kay Nakatsu (Toma), sobrang nilove ko yung character niya na hindi ko naman nagawa kay (Siu Yi).

             About sa plot, medyo mushy yung sa TW version yun namang sa JP ay sobrang nakakatawa at nakakakilig. One thing I don't like sa TW is that medyo draggy yung ibang parts, minsan tuloy nakakabore. As a fan of asian series, I would recommend that you watch both versions sa Monday, tutal naman hindi sila magkatapat ng time slot. There's nothing to lose naman. Pero if you'll ask me kung ano mas gusto ko, it would be Hanazakari no Kimitachi e. Mas nauna kong napanood ang TW pero mas nagustuhan ko ang Jap version. Pero it's up to you guys kung ano ang mas guto niyo, I'm only giving my opinion on the matter. And about dun sa mga detractors. PLS STOP IT. Napakachildish niyo naman. Don't make a fuss about the two, pareho silang maganda okay??? And about kung sino ang mas okay mag dub, kahit naman sabihin kong hindi ganung kagaling magdub yung GMA, i'll watch it pa rin kasi mahal ko ang JP version at gusto kong makitang nagtatagalog si Nakatsu - kun. ^^

8 comments:

  1. haha..
    pareho tau..
    mas gusto ko din ang japanese version kesa sa taiwanese..
    khit di ko p napapanood ang taiwanese version,,
    panonoorin ko nga un sa lunes eh,, ehehe,,
    :)

    ReplyDelete
  2. yeah, actually nung hindi ko pa napapanood yung jap version, tapos nabalitaan kong ipapalabas yung TW version sa ABS excited na talaga ako, pero ngayong napanood ko na yung jap, at ipapalabas siya sa GMA mas excited na ako. Nakakatuwa nga kasi parang Double Treat, buti na lang di sila magkasabay

    ReplyDelete
  3. eh if magkasabay sila?

    haha... actually, nung nakikita nmin ung commercials ng 2 hana kimi... pinagkatuwaan nmin ung thought... "ano kaya kung magkasabay sila? timeslot/network wars, eh?!" hahahahahahaha!!!

    ReplyDelete
  4. bwahahaha. i think imposible na magkatapat yung dalawang versions, kasi ang katapat ng JP ay yung kay Kris, but then siguro may exception, kung magiging kasing phenomenal ng Meteor Garden ang HK TW then surely magkakasabay sila. Pero I don't know, HK JP ako, plus factor siguro yung pinakita ng GMA na best supporting actor si Toma sa commercials nila. LOL

    ReplyDelete
  5. yeah LOL.

    pero anu b tlga ung original Hana Kimi? i'm just curious because those ABS-CBN people say that their Hana Kimi (that is, the TW version) is the original one... but I don't think that it is true...

    confirm my speculations... anu b tlga?

    ReplyDelete
  6. hmm, about dun sa nasabi nilang the original sila, I have two guesses, first would be (na mention ko na 'to sa post ko) dahil sa Coffee Prince, since almost the same ang plot nila, people would think na kinopy lang ng TW ang CP.

    Second would be dahil nga iaair na din ang HK JP, gusto nilang iemphasize na mas naunang ipalabas ang Hana Kimi TW kesa sa Hana Kimi JP (which is true).

    Pero nakakairita lang yung bakit kailangan pa nilang lagyan ng the original yung sa kanila, para tuloy ang cheap tingan (no offense ha). ANd to think, they have no rights to change it(I'm referring to ABS here at hindi sa Taiwanese Version), kasi Hana Kimi is based from a Japanese Manga, so parang mas may justice pag Jpan ang gumawa, Live adaptation ba kung baga, kasi sa kanila yun eh.

    The bottom line is sana don't just claim na original yung pinapalabas kasi wala naman talagang basis para dun, mas okay pa kung the FIRST ( ang sagwa, lol).

    Sorry kung medyo lengthy yung reply ko, those detractors are really getting on my nerves na kasi.

    ReplyDelete
  7. ah, now I know....

    it all leads to one conclusion: they are still having that network wars... arrrgghh... it gets already annoying.

    ReplyDelete
  8. TAE TAE Talaga. ililipat nila ang timeslot ng hana kimi japan katapat ng Hana Kimi Taiwan, kasi daw Go Bingo ang ilalagay nila sa pang 6pm na slot. I think sa April 14 na siya mangyayari. Kaasar.

    ReplyDelete