Isa pa nga palang factor kung bakit sobrang sakit ng katawan ko ay dahil nagswing kami kanina gamit ang gulong.
Sharing lang.
Ganito kasi yun, dapat talaga 3 pm ang start ng make up class namin, pero sabi namin kay kuya Julio (JI namin) na kung pwede 2 pm na lang kami dumating para maaga madismiss.
So ayun nga nagpunta kami ng 2, pero wala si Kuya Julio, at ayun nakita namin ang mga gulong na nakasabit sa puno at napagdiskitahan agad.
At kanina ko lang narealize na first time ko pa lang makapagswing gamit ang gulong. Hindi ko nga alam kung pano sumakay dun eh, pero later on medyo natuto na ako. At ang lakas ng trip naming apat (Joanna, Mica, Hannie at ako), talagang nagphoto session pa kami kanina with matching video ng aking paghuhumiyaw sa swing dahil sa katarantahan. LOL.
Dahil sa sobrang pagkapit sa lubid, ang sakit sakit tuloy ng kamay ko, ahaha. Tapos dumating na si Kuya Julio at kami'y nagrappell na. Nakakatuwa pa kasi lima pa lang kaming present nun kaya tig-iisa kaming rope, ahaha. At ayun din paulit ulit kaming nagpraktis ng walk down at fade away, kaya sobrang sakit ng katawan ko. ahaha. Isa pa sigurong factor kung bakit love ko ang rappelling e dahil sobrang sarap lokohin ni kuya Julio at siyempre dahil magkakasama kaming apat nina Hannie. lol
No comments:
Post a Comment