Ayan. Gusto kong magpost ng matinong blog post (redundant), at rant na din. LOL
Sisihin ang friendster blog! kasi sabi nila all new fster blog na daw eh, kaya ayun chineck ko naman, at di ko mapigilang basahin yung mga dati kong post doon, bago pa nauso ang multiply sa akin.
At grabe, pakiramdam ko hindi ako yung taong nagsulat ng mga posts ko, ibang-iba yung aura niya sa aura ko ngayon. Mostly mga high school memories ko yung andun, tapos pakiramdam ko ang saya-saya ko back then, siguro kasi nasa comfort zone pa ako dati, kung icocompare ngayon, ay ewan ko sa buhay ko, feel ko nawala na ang utak ko.
Siguro part lang 'to ng pagmamature, pero kahit na, gusto kong tanungin sa sarili ko, "Anong nangyari sa'yo, ba't ka nagkaganyan?". Na mahirap namang sagutin kasi kahit ako lito sa buhay ko.
Anu na nga bang nangyari sakin? Di ko na namalayan na nagbabago na pala ang paligid ko, pakiramdam ko kasi walang nag-iiba sakin, ampala bulag lang ako sa mga tunay na nagaganap. amp. ang lalim na nito. Siguro kulang lang ako sa pagmamahal, nyahahha, biro lang, kasi siguro noon may inspiration ako, at siyempre maraming sumusuporta sakin (hindi naman sa sinasabi kong walang sumusuporta sakin ngayon).
HAY HAY. Madami pa rin akong problems, ang hirap talaga ng buhay, ngayong malaki na ako, nararamdaman ko na ang tunay na responsibilidad ng buhay. Hindi lang ito para sa akin ha, basta malawak ang saklaw nito.
LAST na 'to, gusto mong mabasa mga dati kong posts sa blog ko? visit mo 'to
Pero tingin ko, mas makakabuti kung sa pinakaunang post mo babasahin. hehe
Nah~ that's fine...
ReplyDeleteI was a freaky emo back then. *shot* XD