Thursday, November 29, 2007

Random

Random things that happened this week:

Sunday: Balik dorm na ako kasi presentation ng corridor namin (GO BA!). Okay naman siya, masaya, ayoko nang magcomment further.

Monday: First exam ko sa calculus. gudlak naman sakin nun, medyo bangag pa ko dahil sa presentation nung gabi.

Tuesday: First lab experiment namin. So far nagenjoy naman ako. haha

Wednesday: May General Inspection sa dorm, naglilinis ako buong araw. 6pm na ata ako natapos. Then dahil isa yung rum namin sa BEST ROOMS, may privilege kaming mainspect lahat ng rooms sa KALAI, meaning pati BOYS wing. ahehehe. hmmmmm, ano masasabi ko? sikwet, basta nakakapagod siya and one thing more, after kong makapunta sa Boys Wing nagbago na pananaw ko sa Kalai, para bang di siya yung kalai na alam ko.

Thursday: Lumabas na result ng Calculus test ko, pumasa ako! wahaha.. Pero kahit na ganun di pa din ako masyado okay, di pa kasi ako pwede umuwi ng Cavite sine may class pa ko sa Sat.

So far yun pa lang naman nangyayari sa kin. Till next time na lang. Ciao.

pa add lang,

newest discoveries, courtesy of Joanna Marie L. Tomas (lol)

* para pala malinis ang mirror mas okay na basang newspaper ang gamitin mo kesa rug.

* para mabuksan ang mailap na cover ng mineral water, use rubber, palibot mo lang yun dun, and presto, bukas na (xempre kailangan mong magexert ng force noh)

Tuesday, November 20, 2007

Rain Clear Ad




para sa mga di pa nakakapanood. ^^ enjoy. (Bi mode ako ngayon)

Saturday, November 17, 2007

Rain on the Clear TV Commercial

Rating:★★★★★
Category:Other
Has anyone seen it? Or I was just behind everyone else (since I’ve been living in a dorm = no television)?

I was watching SOP and I accidentally turned to QTV, and there was this commercial, at first I didn’t recognize the guy, but then Rain appeared saying “My name is Rain” (btw, the commercial is nearing its end). I was shocked, bigla ko na lang nasabi, “kailangan kong makita ng buo ang commercial na yun.” And one thing more, bigatin ang Clear, kasi napakadami niyang commercials tapos ngayon international star pa ang model nila. (for Singapore pala talaga yung commercial na yun) ^^

Luckily, pinakita siya sa ABS, maganda yung commercial, mas bagay kay Bi yung hair niya ngayon, mas gwapo siya pag short ang hair. Pero at the same time, naisip ko, ginagamit kaya talaga niya yung shampoo? LOL. Kasi personally, ayoko sa Clear, natry ko siya kasi maraming nagbibigay ng free samples sa UP nun (syempre tanggap lang ng tanggap, libre eh), ayaw ko sa amoy, haha. Yung commercial lang talaga ang gusto ko, astig. Hopefully, mafeature din ang ibang asian stars sa Pinoy TV Commercials. Kasi probably si Rain yung pinakakilala ng pinoy dahil sa Full House. Hay naku, kailan pa kaya maeexpose ang ibang asian actors? (ABS, GMA magpalabas na kayo ng ibang Asianovelas, asap)

Just a random thought: magkano kaya binayad nila kay Bi?

Must Watch Scenes in "They Kiss Again"

source : mingpao
Translation by
Kassy @ http://asianfanatics.net
pls take with credits

Must watch scenes

Xiao Zhong and Ariel recommend several must watch scenes to us. They were really touched by them while filming these scenes themselves.

1. When ZhiShu becomes a doctor, XiangQing, who wanted to be more comparable with her husband, has decided to go for the nursing course. Having to learn the ways to give injection to the patient, creating all kinds of mishap. ZhiShu wanted to help out XiangQing and decided to let her used him as practice. [If you don’t really love her, you wouldn’t let her do this to you. This is one of the greatest ways to express your love, very touching.

2. At episode 15, after both of them (ZhiShu and XiangQing) had been through all the misunderstanding, ZhiShu finally knows that, the one he loves the most is, XiangQin. In the end, he said “Wo Ai Ni”. These words usually definitely wouldn’t be coming out from the arrogant ZhiShu but since he needs to let XiangQing has more confidence toward his loves for her, he finally said it. [Really touching, don’t missed it.]

3. The scene recommended by Ariel would be, filming her shedding tears. That would be when ZhiShu and her were helping a patient together. Having to face the line between life and death. [That moment, the way the camera used was sort of using a door to separate Xiao Zhong and me. Having the feeling of pain that one-day we might face this kind of separation and it just makes me shout out loud. It reminds me a lot of things about people being separated like that (between life and death), very touching, don’t missed it everyone.]

Friday, November 16, 2007

Taga UP ka ba? (agaw mula kay kat)

UP student ka ba?
- oo!

UPCAT passer?
- syempre naman

Student number?
- 2007-12***

Course? Major?
- Bachelor of Science in Computer Engineering

Do you really like it there?
- ayos lang.

Is this your first choice of campus?
- yep

Why or why not?
- UP eh.

Saan-saan ka nag-apply na colleges/universities?
- UP and USTe

Dumadalaw ka pa ba sa UP or dadalaw ka pa ba khit grad ka na?
- oo naman

The best thing about UP?
- ikot / toki. joke. siguro yung education

What do you miss or you're going to miss?
- i can't tell for now

Fave place mo don? Bakit yun?
- NIGS builing, wala pa ring makakapalit sa kanya sa puso ko (sayang lang wala na kong class dun)

Fave day mo? Why?
- saturday, kasi uuwi na ko ng Cavit. LOL

Fave building? Why?
- National Institute for Geological Sciences.

Least fave building? Why?
- hmm,

Memorize mo ba yung UP Hymn?
- hindi!

Paborito mong prof?
- sir carl. haha

Bakit siya/sila?
- nakakatawa siya at mabait

Pinakayaw mong prof?
- secret!

Bakit siya?
- ewan ko ba

Naglalakad ka ba lagi?
- oo. kapagod, sobra.

Madalas ka ba sa library kapag vacant mo?
- nope. 

Sino chancellor sa UP?
- Chancellor Cao

Gusto mo ba ung Collegian or Perspective?
- kule...

If you weren't in UP, nasaan ka?
tambay. biro lang. Siguro nasa UST

Sa tingin mo malaki ba ang maitutulong ng UP sayo?
- yup, (+, -)

Anong masasabi mo kay Oble?
- di ko pa nakakaharap ang tunay na oble.

Gaano ka na katagal nagaaral sa UP?
- kalhating taon

Ano masasabi mo sa mga kaklase mo?
- masaya silang kasama. walang ere

Eh sa classroom niyo?
- marami kaming classroom eh

Anong floor classroom niyo?
- pwede bldg na lang? (EEE, Math, Chem Pav, CAL)

Saan ka madalas kumakain?

- sa Kalai

Ano inoorder mo dun?
- kung ano ang nandun

Kumakain ka ba ng street food sa labas ng campus?
- nope

Eh anong college ang may pinakamagandang bldg?
- College of Arts and Letters, la lang nagagandahan lang ako sa bldg nila

Inggit ka naman?
- sort of, hahahahahaha

May PE ka pa ba?
- sa kasamaang palad wala, naubusan ako ng slot sa bowling

Kung meron ano un?
- wala nga eh

Masaya ka naman ba sa pe mo?
- ...

Bayad ka na ba sa tuition?
- oo

Bumili ka na ba ng UP jacket?
- di pa, wala pa ko pera

May balak?
- oo

Eh ung t-shirts?
- meron pero yung sa eng'g pa lang

May balak rin?
- oo

Nakapag pa-picture ka na ba kay oble?
- di pa

Ilang beses na?
- haha

Bakit kaya madaming turista dumadayo sa campus natin?
- sikat? ewan ko ba

Natry mo na bang dasalan mga rebulto sa UP?
- sinu sino ba mga rebulto dun? lol

2nd sem classes.

            So far, napasukan ko na lahat ng class ko this sem. What can I say about my classes?

 

Math53 – Clueless ako dito. Ni isa wala akong alam sa mga topic. Kung Math 17 pa nga lang hirap na ako, Calculus pa kaya? (Wala naman kaming Calculus nung High School eh)

 

Chem 16 – Hay Chem, sa totoo lang wala na akong matandaan dito, nung 3rd year pa namin diniscuss 'to eh. At sa tingin ko kung ikukumpara yung Chem ko dati sa Chem sa UP, di hamak na mas dobleng hirap ang aking daranasin (o kwadruple pa kaya?)

 

Chem lab – Wala akong kaalam-alam sa lab, kasi di naman kami naglalab nung High School, kung maglab man eh yung simple lang (as in simple). Plus di naman kami complete sa mga apparatus eh. Ano kaya mangyayari sakin dito? But kahit ganon, mukhang magiging masaya pa rin ang lab ko. ^^

 

EEE 11 (Fundamentals in Programming) – Hindi ako marunong nito. Haha. At pano kaya ang mga homeworks ko dito? Wala naman ako computer sa dorm (i'll find a way). Terror daw ang prof.

 

EEE 31 – Mukhang medyo kakayanin ko ito, ang kaso lang para maview mo ang mga lectures, magsubmit ng assignments, etc., kailangan pa rin ng PC at net. Sana lang magbigay ng hard copy, mas sanay ako din at mas convenient siya. Hirap talaga pag malayo sa bahay.

 

English 11 – Ok naman siya, magaling ang prof, the only problem is madaming assignments and readings, pero kakayanin ko pa din. ^^

 

            Ano ang course ko? Computer Engineering. Bakit ito ang napili ko? Di ko pa din alam eh, Accountancy kasi talaga ang nais ko, yun nga lang sa kasawiang palad, di ako natanggap, triple quota pala yun, dahil sa pag aasam na sa Unibersidad ng Pilipinas makapasok, tinanggap na rin ang CoE, pero malay natin, baka magustuhan ko din ang course ko.

Saturday, November 10, 2007

Memories of Bali

Rating:★★★★
Category:Other
Kaya siguro MoB ang title nito kasi puro memories na lang ang natira sa Bali. LOL

Again, di ko na naman napanood ito nung pinalabas sa ABS a few years back, kasi parang di ko type ang story at tsaka yun ata yung time na di talaga ako mahilig manood ng mga primetime shows (just like KSS). So dahil sa may hangover pa ako sa movie na The Classic at kay Jo In Sung na rin, pinanood ko ‘to. But before that basa muna ako siempre ng summary nito.

Tragic ang ending nito. Siguro alam niyo na, pero di ko sinisisi si Paolo (JIS) kung bakit niya pinatay sina Ryan and Erika. Di naman talaga siya ang may kasalanan, I think na kay Erika yung fault, di naman kasi niya malinaw sa sarili niya kung sino talaga ang mahal niya eh, personally I would prefer Jo In Sung (haha). Pero we couldn’t put all the blame on her. And for that masasabi kong okay na din para kay Ha Ji Won yung role, pero di talaga maiiwasan na kainisan mo yung character niya.

One thing na napansin ko dito ay yung story, nung una light pa lang siya, may pagkacomedy ba, pero as the story thickens, nagiging dark na. Para tuloy ayaw mo na panoorin, the only thing that made me continue it is because of In Sung pati na rin si So Ji Sup (minsan), kaabang abang talaga sila. I would rate this siguro an 8 (out of ten).

Lastly, napaka disturbing ng pag iyak ni Jo In Sung dito, ang sagwa, imbes na maiyak ako, natatawa pa ko. No offense, kahit like ko si Insung, di talaga maiwasang di mapansin yun.