Friday, November 16, 2007

2nd sem classes.

            So far, napasukan ko na lahat ng class ko this sem. What can I say about my classes?

 

Math53 – Clueless ako dito. Ni isa wala akong alam sa mga topic. Kung Math 17 pa nga lang hirap na ako, Calculus pa kaya? (Wala naman kaming Calculus nung High School eh)

 

Chem 16 – Hay Chem, sa totoo lang wala na akong matandaan dito, nung 3rd year pa namin diniscuss 'to eh. At sa tingin ko kung ikukumpara yung Chem ko dati sa Chem sa UP, di hamak na mas dobleng hirap ang aking daranasin (o kwadruple pa kaya?)

 

Chem lab – Wala akong kaalam-alam sa lab, kasi di naman kami naglalab nung High School, kung maglab man eh yung simple lang (as in simple). Plus di naman kami complete sa mga apparatus eh. Ano kaya mangyayari sakin dito? But kahit ganon, mukhang magiging masaya pa rin ang lab ko. ^^

 

EEE 11 (Fundamentals in Programming) – Hindi ako marunong nito. Haha. At pano kaya ang mga homeworks ko dito? Wala naman ako computer sa dorm (i'll find a way). Terror daw ang prof.

 

EEE 31 – Mukhang medyo kakayanin ko ito, ang kaso lang para maview mo ang mga lectures, magsubmit ng assignments, etc., kailangan pa rin ng PC at net. Sana lang magbigay ng hard copy, mas sanay ako din at mas convenient siya. Hirap talaga pag malayo sa bahay.

 

English 11 – Ok naman siya, magaling ang prof, the only problem is madaming assignments and readings, pero kakayanin ko pa din. ^^

 

            Ano ang course ko? Computer Engineering. Bakit ito ang napili ko? Di ko pa din alam eh, Accountancy kasi talaga ang nais ko, yun nga lang sa kasawiang palad, di ako natanggap, triple quota pala yun, dahil sa pag aasam na sa Unibersidad ng Pilipinas makapasok, tinanggap na rin ang CoE, pero malay natin, baka magustuhan ko din ang course ko.

3 comments:

  1. swerte mu nga isang terror prof lng ung iyo, eh!!!

    aq.... DALAWA!!! kamusta nman iun!!!! hahahahahaha!!!!

    ReplyDelete