Friday, November 9, 2007

Second Semester

            Start na ng second sem yesterday. Medyo magulo pa kasi marami pang taong kulang sa subjects. Ako naman, ayos na. Parang feeling ko nga isa ako sa mga swerteng tao, kasi naman nakuha ko lahat ng class na inenlist ko. Bonus pa dun eh yung math 53 kasi yung prof ko e yung prof ko last sem (go sir carl!).

            Since unang araw pa lang ng class, yung iba sa mga prof ko ay hindi nagpakita, pero that's ok, para mas maraming free time. Hmmm, ano ba ang masasabi ko this sem, before magstart ang sem na 'to, sinabi ko sa aking sarili na kailangan ng mag aral ng mabuti, marami kasing majors ngayon. Ayon pa sa aking nasagap na balita, terror daw yung prof ko sa EEE 11, gaanong katotoo kaya iyon? Well, di dapat magpasindak, kailangan ng mag focus sa studies at ayusin ang buhay. Sana lang matapos ko on time ang course ko. Sana, sana.

            Huling pahabol: sana maibalik na sa dati ang tuition fee, masyadong pahirap sa mga estudyante, mintakin mo bang yung isang nakasabay ko na student eh one fourth lang ng tuition fee ko ang kanya. JUNK TOFI (tamad na kong magtype, lol)

           

No comments:

Post a Comment