Start: | Mar 15, '08 09:00a |
End: | Mar 15, '08 11:00p |
9 - 12 am - MP Defense
3-5 pm EEE 31 exam
6-8 pm - EEE 11 exam
night (di ko pa alam ang time) - Kalai Formal Dinner
Start: | Mar 15, '08 09:00a |
End: | Mar 15, '08 11:00p |
Rating: | ★★★★ |
Category: | Other |
First it was Hanadan 2. Now, it’s Devil Beside You. Seriously, what is happening to GMA? If before, I was so eager to see this series on television, now I’m not happy with it being shown. First, I would not be able to watch it. Second, the time slot isn’t that great. I’m predicting that it would only gain a rating between 15-20 %. There’s this part of me that wishes that it would be shown in the summer, or even if it isn’t possible, GMA should put it in primetime. Third, I’ve seen the commercial, they’ve changed Ah Mon’s name to Bryan and Qi Yue’s to Queenie (I guess?), medyo okay na sana if only hindi ko narinig yung pagkakadub, OMG, yung voice na ginamit nila kay Mike doesn’t suit him, ewan ko ba. Lastly, I hate the fact that they’ve changed its title to “Devil Beside Me”, feeling ko ang laking pagkakaiba talaga. Di din masyadong attention getter ang trailer. Anyway.
I’ve read sa Tsinoy na ipapalabas na nga daw siya, so okay, medyo ayos na din, pero kanina nung nakasakay ako sa MRT at napadaan sa harap ng GMA, nagulat ako sa title. I was like “Oh no x10”. Buti na lang yung pic ni Mike dun sa billboard e yung cute siya, kung hindi – arrrrgggghhhhhhhhh. Bakit ako nagsesemyento? It’s because Devil Beside You is one of my favorite series ever. Pero in fairness mas okay na din yung slot niya kung icocompare mo dun sa time slot ng It Started With a Kiss dati.
Pero one thing I’ve noticed with our Local Television is that sobrang hilig talaga nila sa mga Koreanovelas. Hindi naman masyadong obvious na puro Koreanovela na lang ang pinapalabas nila tuwing gabi di ba? Wala pa atang ibang asian series na pinalabas ng
Nangyari ang lahat nang aming mabatid na walang klase sa EEE11. At dahil walang magawa sa buhay at gustong magliwaliw kahit panandalian, kami ay napasugod sa Sunken Garden, sa kadahilanang ngayong linggo ay UP Fair, kami ay naglibot at tumingin nang mga pagkain sa paligid, nang kami’y mabato na ay amin nang tinahak ang labasan. Maya maya pa’y napansin na namin na lubhang maputik ang aming dinadaanan.
Pero dahil siguro gusto naming makaranas nang adventure ay tuloy pa rin kami, nang mabahidan ng putik ang aming mga tsinelas at sapatos ay nawalan na nang gana ang iba at bumalik na, pwera sa akin at kay Kat, siguro dahil tinatamad na din kaming bumalik at abot tanaw na ang malinis na damuhan, tinangka naming bagtasin ang basa at maputik na daanin. At ayun, ang unang nabiktima ay si Kat, naiwanan ang tsinelas sa putikan, ito naman ay aking dinampot at ako’y sumunod. NGUNIT – hindi ko inaasahang malalim pala ang putik at ako’y nalubog. Nakaahon ako pero wala na ang isang kabiyak ng tsinelas, sa matinding takot na ako’y umuwing walang saplot sa paa ay kinapa ko sa maputik na damuhan ang aking pinakamamahal na tsinelas, at presto ito’y nakita ko. Iyun nga lang para itong putik na tinubuan ng tsinelas. At anu ang ginawa ng aking mga kasama? Ayun at kinuhanan pa kami ng litrato. Pagkaahon na pagkaahon ko sa maduming putikan ay agad kong nabatid na madami pala ang nakakita sa aming “palabas”.
Ngayong nakuha ko na ang aking tsinelas, mayroon na naming isang balakid ang nakaamba. Paano ako makakauwi sa dormitoryo na puno ng putik ang mga kamay, paa at pantaloon? Salamat na lamang at may nakapansin sa aking paghihirap. Lumapit sa akin ang dalawang batang babaeng nagbebenta ng ipit at sinamahan nila ako sa pinakamalapit na hugasan. Sobrang laki talaga nang utang na loob ko sa kanila, malas nga lang at wala akong dalang pera nang panahong iyon, sana nakabili ako sa kanila. At duon natapos ang aking araw.