Tuesday, June 3, 2008

Bwisit na enrollment yan.

Ang sakit ng paa ko, ang sakit ng katawan ko, at higit sa lahat nalipasan ako ng gutom. wahaha.

Ang aga ko pa naman gumising kanina, 4 am (1 am ako natulog) tapos nakarating ako sa UP ng 7:30. Nagpunta ako sa EEE dep't para kuhanin ang form 5a ko, naghintay ako ng isang oras matapos iyon nagsimula na akong maghunting ng potential na GE, ansabi ng mga kablockmates ko maswerte daw ako kasi GE na lang ang kulang ko (dalawang GE subjects ang need ko) - ito ang sagot ko : isang malaking HINDI.

Una akong nakipagsapalaran sa MST, Marine Science 1, pero masungit ang guard, haha, AH at SSP naman sana. Gusto kong kuhanin ang Pan Pil kasi prof duon si Bob Ong, kaso pagdating ko pa lang, grabe pagkahaba haba ng pila. Pero sige try pa din ako, naupo ako ng isang oras, mga isang dipa siguro ang inusod. Tinigilan ko na ang pangarap ko na Pan Pil (pramis next sem kukunin kita)

Ito ang mga tinry ko:

Sociology 10 - sayang saya pa naman ako kasi nakasama yung name ko dun sa listahan ng mga icoconsider after lunch pero it turns out na ubos na pala ang slot, pinaghintay pa ko

Comm 3 - muntikan na talaga, buti na lang hindi, haha, never ko 'tong itatake. >.<

Anthro 10 - kagaya ng Socio 10 puro pagasa lang ang binigay sakin nito

Soc Sci 2 - pinakanakakainis sa lahat, 1 hour akong nakapila at pangatlo ako sa umpisa, at after an hour nga sinabi na tatlo na lang daw ang slot (nagsaya naman ako) pero yun nga lang conflict siya sa sched ko. ISANG MALAKING TAE

Mga nakuha ko:

Kas 2 - woo hoo, andami pang slot dito, try niyo. Yun nga lang ambobo ko di ko pa pinili yung matinong prof.

Art Stud 2 - yes, last minute enlistment ito, siguro 5 minutes before magshutdown ang system naenlist ako dito. YEEESSSS!! at take note laging nag dodown ang server, buti na lang.

At the end, nakuha ko ang dalawang GE na subjects ko, salamat na lang, pero nakakainis pa rin ang sistema sa yupi. :(

Side Note:

Haha, napagusapan namin ni Pao2 ang Zettai Kareshi, at nagulat ako dahil mas gusto niya si Soshi, uwaaaa!!! nooo. Night pa rin ako. haha, pati sina oh chan, sho chan, nino at matsujun napagusapan din namin. haha. namatay na daw yung limang puppy niya na niname niya na katulad sa arashi. :(

2 comments:

  1. BUTI KA PA MAY 2 GE SUBJECTS NA NAKUHAAAAAAAAA! DDD: LOSER AKO.

    ReplyDelete
  2. buti ka pa tapos naaaaaa!!! btw, sino art stud2 mo??

    ReplyDelete