Tag ulan na naman. haha. ok sana kaso hassle pag may pasok, amputik sa paa, lagi pa naman ako nakatsinelas.
Halatang wala na akong magawa. Nalulula na ako sa mga integral equations. o.O, wala naman akong maintindihan. Bakit kasi di man lang ako binahagian ng kaunting talento sa math. kahit kapirot lang, masaya na ako. Hindi ko pa din tapos assignment ko, waaa. Pero at least I'm trying. lol, ang masakit pa duon ay hindi naman makecredit ang math 54 ko dun sa pagshishiftan kong course, oh well at least "sana" matutuhan ko ang integrals at kung anu ano pa.
Buti na lang wala ako class pag monday. haha. ui inggit naman siya.
At nakagawa na ako ng haiku para sa MP 10, gusto ko sana ishare kaso ampangit, lalalalalala.
Idaan na lang natin sa kanta ~ lalalalalalalala (para akong si babe ah, yung babuy, lol)
current music: Brand New Breeze - Kanon
o siya, makatulog na nga. oo nga pala Happy Father's Day sa inyong mga tatay. :D
No comments:
Post a Comment